-- Advertisements --
Donald Trump
Donald Trump / FB image

Ipatutupad ng administrasyon ni US President Donald Trump ang bagong patakaran na mas magpapahirap sa mga foreign nationals na magpunta ng Amerika upang doon manganak at siguraduhin na magiging US citizen ang kanilang supling o mas kilala sa tawag na “birth tourism.”

Ayon sa State Department ay epektibo na simula ngayong araw ang naturang patakaran at naipamahagi na rin ang balitang ito sa iba’t ibang embassy sa buong mundo.

Una nang inanunsyo ng White House na hindi na magbibigay temporary visitor visa ang State Department sa mga banyagang nagdadalawang tao.

Kaagad na idedeny ang visa ng mga pasaherong ang tanging pakay lamang umano na bumisita sa Estados Unidos ay upang siguraduhin ang US citizenship para sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng panganganak sa nasabing bansa.

Hindi naman apektado sa patakaran na ito ang 39 bansa sa Europe na parte ng Visa Waiver Program.