-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Malaki ang pinag-iba sa araw na ito sa mga nagdaang birthday ni Senator Manny Pacquiao.

Nawala ang mañanita, wala ding nagdatingang panauhin sa kanyang mansion at walang mangyayaring bonggang selebrasyon na lalahukan ng daan daang mga bisita na ginagawa sa isang Mall dito.

Ito ang sinabi ni Dionesia PacMom Pacquiao na isang pribadong hapunan lamang ang tampok mamayang gabi sa bahay ng Senador.

Dagdag ng PacMom nga umuwi si Manny kasama si Jinkee para dito ipagdiwang ang ika 42 na birthday.

Naging bahagi sa birthday ng Senador ng tinipon ang mga residente sa Barangay Tambler nitong lungsod sa liob ng kanyang gymasium at namigay ng bigas at cash.

Ganuon din ang ginawa ng Senador sa iba pang barangay na kanyang binisita.

Kasama nito ang kanyang kapaitd na si Rep. Bobby Pacquiao sa paghatid ng regalo.

Matatandaang nagdaang taon maraming bisita ang nabiyayaan ng mga regalo sa kanyang pa birthday kagaya ng kotse, mga motorsiklo, appliances at limpak limpak na cash.