Balak ngayon ni Vice President Sara Duterte na magsagawa ng isang birthday picnic para sa ama na si dating pangulo Rodrigo Duterte bilang selebrasyon sa kaarawan nito sa darating na Biyernes, Marso 28.
Ayon sa Bise Presidente, magdala na lamang ng kaniya-kaniyang pagkain para sa isang picnic ang mga dadalo para hindi na magsagawa pa ng programa para sa naturang selabrasyon.
Ito ay para hindi na rin aniya kailanganin pang magpaalam ng kanilang kampo sa mga otoridad dahil hindi naman isang rally o protesta ang kanilang gagawin kung hindi isang selebrasyon ng kaarawan ng dating pangulo.
Kasunod nito ay inaanyayahan naman ni VP Sara ang mga grupo na magtipon-tipon at magsagawa ng isang table hopping matapos ang naturang salu-salo.
Samantala, nakatakda naman dumating ang kapatid ni VP Sara na si Veronica ‘Kitty’ Duterte sa The Netherlands para bisitahin ang ama sa mismong araw ng kaarawan nito.