Hiling ni Pang. Ferdinand Marcos Jr sa kaniyang ika-66th birthday bukas, Sept. 13,2023 ay magiging maayos ang sektor ng agrikultura.
Sa isang panayam sinabi ng chief executive na hangad nito na maayos na sana ang lagay ng agrikultura sa bansa.
Ayon sa pangulo, sana ay maging malinaw na kung kelan ba talaga ang panahon ng tag ulan at tag araw o wet at dry seasons para maging maayos din ang paglalatag ng mga programa ng gobyerno sa sektor ng agrikultura.
Sa ganitong paraan aniya ay mas matututukan o maging akma ang tulong na maibibigay ng gobyerno sa mga magsasaka.
Samantala, iprinisinta kay Pang. Marcos ang natapos na Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act 11953 ang new emancipation act.
Natapos ng drafting committee ang IRR bago ang Sept.22, 2023 kung kailan mag expire ang panahon na kailangang ma promulgate ang IRR.
Kasabay nito nilagdaan din ng Pangulo ang isang executive order na magpapalawig sa moratorium sa pagbabayad ng principal na utang at interes sa mga benepisyaryo.
Ayon naman sa Dept. of Agrarian Reform ang moratorium ay magpapalakas sa kakayahan ng mga benepisyaryo na mapagyaman ang kanilang lupa nang walang alalahin na magbayad ng utang.