Pinalawig pa ng Land transportation franchising and regulatory board ang bisa ng Special permit ng mga pampublikong sasakyan na papasada sa nalalapit na Holy week ngayong 2023.
Sa ilalim ng Board Resolution No. 009, napagpasyahan ng ahensya na sa halip na sa ika-2 hanggang sa ika labing-isa ng Abril, magiging epektibo na ang special permit para sa Holy Week ngayong taon simula sa ika-tatlumput-isa ng Marso hanggang sa ika-labing pitu ng Abril.
Kasunod iyan ng Proclamation No. 90 ng Malacañang na nagdeklara sa ika-6 o (Maundy Thursday) at ika-7 (Good Friday) ng Abril bilang regular holidays.
Sa ilalim din ng proklamasyon, pansamantalang inilipat sa ika-10 ng Abril ang pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan matapos tumapat sa araw ng Linggo ang orihinal na paggunita nito tuwing ika-9 ng Abril.
Batay kasi sa resolusyon, ang pag-amyenda ng Land transportation franchising and regulatory board sa bisa ng special permit ay bunsod ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya dahil sa mahabang holiday, pagluwag ng travel restriction, at muling pagbubukas ng ekonomiya sa bansa.
Samantala, nilinaw ng Land transportation franchising and regulatory board na wala pang eksaktomg buwan at araw sa pagpapatupad ng P9 na minimum na pasahe sa jeep bilang discount sa mga pasahero sa ilalim ng service contracting program.
Ayon nga kay Technical division head Joel Bolano, habang hindi pa nila natatanggap ang budget o pondo mula sa Department of Budget Management o DBM ang nasabing programa ay hindi pa masisimulan sa mga pampublikong mga sasakyan.
Una rito, nagdeklara na rin ang korte suprema ng constitunional orders sa Department of transportation,Department of Transportation and Communications at Land transportation office na nagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga operator at driver na ng colorum o hindi rehistrado na mga Public utility vehicle na puwedeng makaapekto sa nasabing programa.