Bagamat maraming mga negosyo ang nakakaranas ng matinding pagkalugi, ilang pinagkakakitaan naman ang patok ngayong umiiral ang global pandemic crisis.
Sinasabing mabentang mabenta sa panahon ngayon sa maraming lugar at mga bansa sa buong mundo ang mga bisikleta at mga exercise gears.
Dahil sa umiiral na lockdown, kumikita raw ng husto ang mga may negosyo sa bisikleta.
Ang ganito kasing mode of transportation ay pasok sa mga patakaran na physical distancing.
Nandiyan din ang negosyo sa exercise gear bunsod na maraming mamamayan ang nananatili na lamang sa mga bahay.
Sa halip daw na kain at tulog, marami sa mga tao ay iniuukol din ang panahon sa pagpapalakas ng resistensiya bilang pananggalan sa coronavirus.
Kabilang naman sa mga outdoor at indoor games na pinagkakaabalahan din ng iba ay pagbili ng table tennis tables.
Kapansinin pansin din na mabenta rin daw ang mga home at gardening items.
Ilan kasi sa mamamayan na naka-lockdown ay nagpapalipas din ng panahon para magtanim, o backyard gardening.
Sa Pilipinas ay may promosyon din ang gobyerno na “plant, plant and plant” partikular na sa mga gulay na madaling tumubo sa loob ng isa hanggang dalawang buwan.