-- Advertisements --
Itinalaga ni Pope Francis si Bishop Victor Bendico ng Baguio bilang bagong arsobispo ng Capiz.
Ang 63-anyos na si Bendico ay siyang papalit sa puwesto ni Cardinal Jose Advincula na naitalaga bilang Archbishop ng Manila noong Marso 2021.
Si Bishop Bendico ay isinilang noong Enero 22, 1960 sa Roxas City kung saan natapos niya ang kaniyang philosophical at theological studies sa University of Santo Tomas Central Seminary sa Manila.
Mula 1996 hanggang 2000 ay nag-aral ito sa Roma sa Pontifical Institute of St. Anselm at natanggap niya ang kaniyang Doctorate sa Sacred Liturgy.
Noong Abril 14,1984 na ma-ordinahan siya bilang pari sa Archdiocese ng Capiz.