Nahalal bilang bagong pangulo ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.
Isinagawa ang halalan sa plenary assembly ng mga obispo nitong Huwebes.
Ang 62-anyos na si David ay nagsilbing CBCP vice president noong Disyembre 2017 sa ilalim ni CBCP president Romulo Valles.
Taong 1983 ng na-ordinahan iton bilang pari sa Archdiocese ng San Fernando.
Itinalaga itong auxiliary bishop ng nasabing archdiocese noong 2006 at nagtagal ang paninilbihan nito ng 14 taon bago nailipat sa Caloocan diocese noong Enero 2016.
Kasalukyan pinangangasiwaan niya ang CBCP Episcopal Commission on Biblical Apostolate.
Itinalaga namang bilang CBCP vice president si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara.
Si Vergara ay inordinahan na pari noong 1990 at kasalukuyang CBCP Permanent Council.
Pinamunuan niya dati ang Episcopal Commission on Social Communications.
Magsisimula ang kanilang termino sa Disyembre 1, 2021.