-- Advertisements --
Nakakuha ng “special blessing” mula kay Pope Francis si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David na kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay David , tiniyak sa kaniya ng Santo Papa ang suporta noong ito ay nagkaroon ng mandatory visit sa Vatican kasama ang 31 iba pang Filipino bishops.
Sinabi pa sa kaniya ng Santo Papa na ipinagdarasal siya nito dahil sa kaniyang pinagdadaanan.
Matapos ang kaniyang pagdarasal ay niyakap siya nito at sinabing maging matatag lamang.
Nauna rito nakatanggap ng pagbabanta si David at ilang mga obispo sa bansa dahil sa patuloy na pagbatikos laban sa madugong kampanya ng gobyerno sa iligal na droga.