-- Advertisements --
Nanawagan si incoming Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) President Bishop Pablo Virgilio David na dapat tiyakin ng mga botante na tanging mga mapagkakatiwalaan na kandidato ang kanilang iluluklok sa darating na halalan.
Dagdag pa nito na dapat hindi sapat na magdasal ang mga tao na magkaroon ng mabuting kandidato at sa halip ay dapat na kumilos para mahalal ang nararapat na kandidato.
Ipinagkaloob aniya ng Diyos sa mga tao na mamili sa mga tao na mamumuno sa lipunan kaya dapat na ito ay samantalahin para na rin sa kapakanan ng mga tao.
Pormal na uupo sa kaniyang puwesto si David sa Disyembre 1 kung saan papalitan niya si Davao City Archbishop Romulo Valles.