-- Advertisements --
Nilinaw ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na ang pagkakatalaga sa kaniya ni Pope Francis bilang Cardinal ay hindi isang maituturing na karangalan at sa halip ay ito ay isang responsibilidad.
Sinabi ng David na siyang pangulo rin ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) na mahalagang karakter ang paglilingkod sa Simbahan.
Paglilinaw pa nito na mananatili pa rin siyang obispo ng Kalookan.
Layon lamang ng pagkakatalaga sa kaniya ng Santo Papa ay para magkaroon ng tila tulay sa mga lokal na simbahan at ang Universal Church.
Magugunitang kabilang si David sa 21 mga bagong Cardinal na itinalaga ng Santo na pormal silang kikilalanin sa darating na Disyembre 8.