Inanunsiyo ng Vatican ang pagkakatatag ng bagong Diocese of Prosperidad sa Agusan del Sur.
Ayon sa Vatican na napili ni Pope Francis si Bishop Ruben Labajo na siyang mamamahala sa bagong diocese.
Si Labajo ay nagsisilbing auxilliary bishop ng Archdiocese ng Cebu.
Ang 58-anyos na si Labajo ay naging obispo noong 2022 kung saan nagsisilbi na itong pari ng Cebu pa noong naordinahan ito ng 1994.
Ang bagong diocese ay kinuha mula sa Diocese ng Butuan kugn saan masasakupan na nito ang Agusan del Sur.
Habang ang Diocese ng Butuan ay binubuo ng probinsiya ng Agusan del Norte.
Ang desisyon ng Santo Papa na hatiin ang Diocese ng Butuan ay mula sa petisyon na inihain ni Bishop Cosme Damian noong nakaraang taon.
Ang Diocese of Prosperidad ay siyang pang-87 dioces at magiging katulong ng Archdiocese ng Cagayan de Oro.