ILOILO CITY – Nanawagan si dating Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) President Most Reverend Angel Lagdameo, Archbishop-Emeritus ng Archdiocese of Jaro sa mga tagapakinig ng Bombo Radyo na tumulong sa pagdarasal upang maging santo si Mother Rosario.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Lagdameo, sinabi nito na si Mother Rosario Arroyo o mas kilala sa tawag sa Mother Sayong ang isinilang sa Molo, Iloilo City at siyang nagtatag ng Congregation of the Dominican Sisters of the Most Holy Rosary of the Philippines.
Ayon kay Lagdameo, maliban kay Mother Rosario, isa rin sa venerable na Pilipino si Bishop Alfredo María Aranda Obviar, first bishop ng Lucena, Quezon at founder ng Congregation of the Missionary Catechists of Saint Therese of the Infant Jesus.
Ang unang milagro ni Mother Rosario ayon kay Lagdameo ay ang paggaling ng isang madreng may malubhang sakit.
Bago ang canonization, pinag-aaralan pa ng Vatican ang iba pang milagro na ginawa ng madre.