-- Advertisements --
Hinikayat ni Manila Archdiocese administrator Bishop Broderick Pabillo ang mga parokya na magtayo ng mga community pantries.
Sinabi nito na ang nasabing community pantry ay isang magandang paraan ito para maipakalat ang bayanihan sa bawat tao.
Kasunod din nito ay nagtayo ng community pantry ang Kalookan diocese na matatagpuan sa San Roque Cathedral.
Ayon naman kay Bishop Jose Colin Bagaforo ang Caritas national director na isang maka-kristiyanong kasagutan ng tao ang pagtatayo ng nasabing community pantry.
Magugunitang mula ng ipatayo ang community pantry sa Maginhawa street sa Quezon City ay marami na ang gumaya sa iba’-ibang bahagi ng bansa.