-- Advertisements --
Pabillo
Bishop Pabillo/ Manila Cathedral Twitter image

Itinalaga ni Pope Francis si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo bilang Apostolic Vicar ng Tatay sa probinsiya ng Palawan.

Ito mismo ang kinumpirma ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang nasabinag appointment ni Pabillo.

Papalitan nito si Bishop Edgardo Juanich na bumaba sa puwesto sa Taytay noong 2018 dahil sa problema sa kalusugan.

Mula Pebrero 2020 hanggang Hunyo 2021 ay naging apostolic administrator ng Manila Archdiocese si Pabillo.

Itinuturing ng progresibong grupo si Pabillo bilang aktibistang pari na naglalabas ng kaniyang saloobin sa iba’t-ibang isyu.

Noong 2009 ay sinamahan niya ang mga magsasaka na nagsagawa ng hunger strike para sa pagsulong ng pagpapalawig ng batas sa agrarian reform.