-- Advertisements --
Nanawagan si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mga mananampalataya na gamitin ang social media para sa pagtaguyod ng nararapat na kandidato sa nalalapit na halalan.
Inihalimbawa nito na dapat ilagay din ang mga nagawa ng mga kandidato.
Hinikayat din nito na huwag basta maniwala sa mga naglalabasang survey sa bansa.
Mahalaga aniya ang paggamit ng social media para maiparating ng mga mamamayan ang mga napipisil nilang kandidato.