-- Advertisements --
Tiniyak ni Bishop Broderick Pabillo na itutuloy pa rin nito ang paglaban sa mga sumisira sa mga kalikasan.
Ito ang kaniyang naging mensahe sa pormal niyang pag-upo bilang vicar ng Apostolic Vicariate ng Taytay, Palawan.
Sinabi nito na nais niyang makipagtulungan para sa ikakabuti ng lahat at nanawagan din ito ng malawak na pag-intindi lalo kung nakakarinig ang ito ng puna sa kaniya.
Tiniyak ng 66-anyos na obispo na ang pangunahing prioridad nito ay ang proteksyon sa mga tao at kalikasan sa exploitation.
Maguguintang sa mahigit na 15 taon nito sa Manila ay kilala si Pabillo sa pagpapahayag laban sa ilang mga isyu sa bansa.