-- Advertisements --

Personal na nagkita si Pope Francis at ang bagong talagang Cardinal na si Bishop Pablo Virgilio David.

Naganap ang pagkikita ng dalawa sa Synod Hall sa Vatican kung saan nilapitan ni Bishop David ang Santo Papa at nagpakilala.

Ayon kay David na nagkaroon ng magaan na pag-uusap ang dalawa at pinasalamatan nito ang Santo Papa sa pagtatalaga sa kaniya.

Pinayuhan naman ng Santo Papa si David na gaanan ang anumang trabaho lalo na ng paglilingkod sa Simbahang Katolika.

Magugunitang kasama si David na siyang Obispo ng Kalookan at kasalukuyang pangulo ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) sa 21 mga obispo sa iba’-ibang bansa na maging cardinal.

Ang 65-anyos na obispo ay pang-10 na Filipino Cardinal sa bansa.