DAVAO CITY – Nakapagpiyansa na sa Regional Trial Court-Branch 12 Davao City ang lima sa anim na mga human rights activists na una ng hinuli ng otoridad dahil sa isinampang kaso na child abuse dahili sa presesniya ng mga Lumad evacuees sa loob ng Haran Evacuation Center of the United Church of Christ nitong lungsod.
Kung maalala, agad na nagpalabas ng kautusan si Presiding Judge Dante A. Baguio na huwag ng ipatupad ang arrest warrant laban kina Bishop Hamuel Tequis, Rev. Daniel Palicte, Ephraim Malazarte, Lindy Trenilla, at Grace Avila matapos makapag-piyansa ng
P300,000 o P60,000 sa bawat akusado.
Sinasabing tanging si Jong Monzon, Secretary-General ng PASAKA Confederation of Lumad Organizations in South Mindanao Region, ang isa sa mga akusado na sinasabing “administrators ug personalities” sa Haran ang hindi nagpiyansa.
Nakatakda naman na isagawa ang pagdinig ng mga akusado sa Hulyo 16, 2021.
Una ng sinabi ni Police Regional Office Davao director BGen. Filmore B. Escobal na inilabas ang arrest warrant laban sa akusado dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 o Special Protection of Children against Child Abuse, Exploitation and Discrimination Act o Anti-Child Abuse Law.
Itinuturong responsable ang anim sa pagkamatay ng isang bata sa loob ng evacuation center sa kasagsagan ng pandemiya sa nakaraan taon ngunit hindi ni-report ng mga ito sa City Health Office ang kondisyon ng bata na may sakit.
Ilan sa mga lumad sa Haran ang una ng nailigtas noong taong 2015 matapos ang ireklamo ng mga leaders at kanilang pamilya ang nasabing organisasyon matapos na hindi na nakauwi ang mga ito sa kanilang komunidad.