-- Advertisements --

Itinalaga ni Pope Francis si Bishop Ruperto Santos bilang bagong arsobispo ng Diocese of Antipolo.

Sa kasalukuyan kasi ay arsobispo ng Diocese of Balanga sa Bataan si Santos.

Isinagawa ng Santo Papa ang desisyon matapos na umabot sa 75 taon na mandatory retirement age ang kasalukuyang arsobispo na si Bishop Francisco De Leon.

Isinilang si Santos noong Oktubre 30, 1957 sa San Rafael, Bulacan at na-ordinahan siya bilang pari noong 1983 sa Archdiocese of Manila.

Nagsilbi si Santos bilang deputy parish priest ng Immaculate Conception Parish at chaplain ng Pasic Catholic College at parish priest ng Maybunga.

Nakakuha ito ng licentiate in history sa Pontifical Gregorian University sa Roma at naging propesor ng kasaysayan ng simbahan sa San Carlos Seminary sa Manila.

Taong 2010 ng italaga siya bilang arsobispo ng Balanga at nakatanggap siya ng episcopal consecration.