-- Advertisements --

Naniniwala si Antipolo Bishop Ruperto Santos, na ang matagal ng inaasam na paglipat kay Mary Jane Veloso sa bansa ay malapit ng makamit.

Sinabi nito na mahalaga para sa pamilya ni Veloso ang paglipat ng kustodiya nito sa bansa.

Dahil dito ay maalagaan pa siya ng mga kaanak na dumadalaw.

Patuloy ang ginagawang pagdarasal nito na tuluyang makabalik sa bansa si Veloso.

Magugunitang noong nakaraang linggo ay sinabi ng Coordinating Ministry for Legal, Human Rights, Immigration, and Correction ng Indonesia na kanilang ikinokonsiderang ilipat ng prison facility si Veloso bilang bahagi ng constructive diplomacy.

Magugunitang noong 2015 ng payagan ng dating Pangulong Joko Widodo na huwag isama sa bitay dahil umano sa kasong human trafficking.

Sinampahan kais ng large-scale illigal recruitment at human trafficking ang traffickers ni Veloso na sina Julius Lacanilao at Cristina Sergio.

Noong 2020 ay inilabas ang hatol na guilty sa illegal recruitment case laban sa recruiter ni Veloso pero nakabinbin pa rin ang trafficking case

Nitong Enero ay sumulat ang pamilya ni Veloso kay Pangulong Ferdinand Marcos at kay Joko Widodo na kung maaari ay mabigyan siya ng clemency.