-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Ipinaalam sa pamamagitan ng Facebook page na nahawaan na rin sa Covid-19 si Bislig City Mayor Florencio Cuaton Garay.

Base sa FB post ng kaniyang anak, ginawa ang swab test sa mayor noong Lunes kung saan ang resulta ay positibo ito sa nasabing virus.

Sa kasalukuyan, Asymptomatic ang nasabing opisyal na naka-isolate na at mino-monitor.

Una nang nagpositibo sa Covid-19 ang mga opisyal na sina Surigao City Vice Mayor Ernesto ‘Nitoy’ Matugas at Surigao del Sur Governor Alexander ‘Ayec’ Pimentel na na-confine sa Adela Serra Ty Memorial Medical Center matapos makaranas ng mild symptoms ngunit nasa stable ng kondisyon.