-- Advertisements --

Sugatan ang isang supervisor ng Food and Beverage Department ng isang hotel sa lungsod ng Cotabato matapos na barilin sa harapan ng gasolinahan ngayong Linggo ng alas dos ng hapon.

Sa ulat ng presinto Dos, kunilala ang biktima na si Jefferson Yves Chua na residente ng Malagapas RH10 nitong lungsod

Lumalabas sa paunang pagiimbestiga ng kapulisan, nagpapagasolina ang biktima ng kanyang motorsiklo ng lapitan ng di pa nakikilalang suspek at binaril ito.

Nagtamo ito ng tama ng bala sa tiyan at agad na sinugod sa bahay pagamutan.

Natagpuan naman sa pinangyarihan ng krimen ang isang basyo ng kalibre 45 na pistola.

Nagpapatuloy ang malalimang imbestigasyon ng kapulisan para malaman ang motibo at suspek sa pamamaril.