Naghain na rin ng kanilang certificate of candidacy (COC) para tumakbo sa pagka-senador sina Herbert Constantine “Herbert Bistek” Bautista at Manuel Monsour “Monsour” Del Rosario III sa Comelec sa Pasay City.
Si Bautista ay tatakbo sa ilalim ng Nationalist People’s Coalition (NPC).
Habang kakandidato naman sa Partido Para sa Demokratikong Reporma (PDR) si Del Rosario.
Kung maalala ang dating congressman na si Del Rosario, 56, ay bemedalled athlete sa larangan ng taekwondo at dati ring aktor na gumanap na rin maging sa ilang international films.
Nagsilbi naman siyang city councilor sa first district ng Makati mula 2010 hanggang 2016 at naging congressman mula 2016 hanggang 2019.
Pero noong 2019 elections ay natalo siya sa halalan.
Si Bautista, 53, na dating actor-comedian, ay isa na ring veteran politician na nagsimula sa pagiging presidente noong 1986 ng Kabataang Barangay, konsehal sa Quezon City hanggang sa naging mayor.
Siya ay three-term mayor mula 2010 at nanalo ng reelection noong taong 2013 at 2016.
Tatakbo sina Bistek at si Monsour sa national position bilang mga senatoriable sa tambalang Lacson-Sotto.