-- Advertisements --
Kinumpirma ng DOH na sinimulan na nilang iturn over sa kanilang Center for Health Development (CHDs) ang mga bivalent COVID 19 vaccines.
Pagkatapos nito ay ipapamahagi naman ang mga bakuna sa mga piling health facilities.
Ayon sa DOH, ang official launching ng bivalent COVID 19 vaccines ay sa June 21, 2023 at ito ay gaganapin sa Philippine Heart Center.
Kabilang sa eligible na tatanggap ng unang phase ng bivalent vaccine roll out ang healthcare workers at Senior citizens (A2) na nakatanggap na ng kanilang ikalawang booster shots sa nakalipas na 4 hanggang 6 na buwan.
Nilinaw naman ng DOH na sapat ang supply ng monovalent COVID19 Vaccines sa bansa para sa booster dose ng publiko.