
Inilatag na ng Department of Health (DOH) ang mga guidelines at sektor na prayoridad sa pagbabakuna bivalent vaccines na gagamitin bilang ikatlong booster shots.
Sa ngayon inaantay pa ang pagdating ng unang batch ng bivalent vaccines sa bansa.
Ayon kay Health officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire sa isang memorandum na inisyu noong Mayo, ang darating na Pfizer bivalent vaccines ay ituturok bilang 3rd dose para sa mga healthcare workers at senior citizens.
Maaari lamang itong ibakuna apat hanggang anim na buwan matapos na makatanggap ng ikalawang booster dose.
Binigyang diin sa nasabing memo na tanging sa mga healthcare sites lamang maaaring isagawa ang pagbabakuna sa ikatlong booster dose.sa initial phase ng rollout ng nasabing bakuna.
Inihayag ng DOH na maglalabas ito ng panibagong memo kaugnay sa pagbabakuna ng bivalent vaccine na nakikitang makakaprotekta laban sa omicron varinat kung papalawigin ito sa iba pang mga sektor depende na rin sa availability ng stocks ng bakuna.
Una ng inanunsiyo ng DOH na maantala ang pagdating ng 390,000 donasyong Bivalent vaccine.
Nakikipagusap na rin ang DOH para sa pagtanggap ng 2 million doses ng bivalent vaccines mula sa COVAX facility.