-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hinde pa makapasok ng Southern Leyte ang mga biyahe mula sa Mindanao habang nag resume na ang biyahe mula Bicol region papunta ng Visayas .

Ito ang pahayag ni Joint Task Force Storm Comander Major General Edgardo de Leon sa nagpatuloy na clearing operation sa buong Southern Leyte sa pamamagitan ng Task group Bulig Leyte.

Ayon kay de Leon na sampung batalion mula sa 8th Infantry Division na sa kanyang pamamahala gamit ang 2 Blackhawk helicopter at mga barko ng Philippine Navy sa paghatid ng pagkain sa mga lugar na hinde pa mapasok dahil apektado sa bagyong Odette.

Dagdag ng Heneral na aabut pa sa 2 linggo pa bago maibalik sa normal ang mga daanan habang nasa 80% na ang paglilinis.

Paglarawan pa nito na parang hinulugan ng bomba ang lugar matapos dinaanan ng bagyo kayat nangabuwal ang mga puno pati mga poste kayat nagpatuloy na walang kuryente ang buong Southern Leyte.

Higit sa apektado ang mga lugar ng Limasawa island , san legardo, liloan, maasin at buong southern leyte na hide pa access ng sasakyan .

Sa buong region 8 nasa 26 ang namatay habang 185 ang nasugatan habang nasa 8,000 hanggang 9,000 food packs naman ang naipamigay.