BUTUAN CITY – Kumpirmadong sinadya ng management ng Bachelor Express Incorporated (BEI) at ng Metro Shuttle Corporation, ang hindi pagpabiyahe sa iilan nilang mga bus units kaninang umaga.
Ito’y bilang protesta sa isinagawang inspeksyon ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Caraga ka-ugnay sa pag-require sa kanila na magkabit ng Global Positioning System (GPS) device sa bawat-bus unit nila.
Ayon kay LTFRB-Caraga OIC Director Cristina Cassion, ang pagdikit ng GPS ay nito pang 2015 ipinatupad sa pamamagitan ng Memorandum Circular 2015-21 upang ma-monitor kung sinusunod nila ang itinakdang speed limit.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ng opisyal na kanilang ni-require ang service provider na maglagay ng GPS sticker sa front glass ng bus mayroon ng GPS device.
Dahil dito’y plano ng LTFRB na magsampa ng mga reklamong breach of franchise condition at hindi nila pagserbisyo sa kanilang mga pasahero sa nasabing mga bus companies.