-- Advertisements --

Kanselado ang biyahe ng ilang mga pampasaherong bus dahil sa patuloy na banta ng bagyong Kristine.

Batay sa abisong inilabas ng Parañaque Integrated Terminal Exchange(PITX), ilang malalaking bus campanies na ang nagsuspinde ng biyahe mula pa kaninang 12:00PM, lalo na ang mga pampasaherong bus na kailangang gumamit ng mga roll-on-roll-off(RORO) vessel.

Ang mga naturang sea vessel ay pinagbabawalan munang bumiyahe dahil sa masungit na lagay ng mga karagatan.

Kinabibilangan ito ng mga may rutang Iloilo City, Tabaco City, Masbate, Gubat, Sorsogon, Catanduanes, at Iriga.

Maging ang biyahe ng ilang bus na papuntang Quezon province ay kinansela na rin bilang precaution mula sa panganib na dulot ng bagyo.

Inabisuhan naman ng PITX ang publiko na tumawag muna sa mga bus companies bago tumulak patungo sa terminal upang alamin kung tuloy o kanselado ang kanilang mga biyahe.

Sa kasalukuyahn ay wala pang stranded na pasahero sa pinakamalaking terminal sa Metro Manila.

Hanggang kaninang tanghali, umabot sa mahigt 35,000 pasahero ang namonitor na nagtungo sa terminal.