Magpapatuloy pa rin ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila at mga karatig na probinsiya na nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ).
Sinabi ni Department of Transportation (DoTr) Undersecretary Artemio “Ochie” Tuazon na ang mga pampublikong sasakyan ay para may masakyan ang mga authorized persons outside of residence (APOR).
Mahigpit din na ipapatupad ng mga operators ng public transport ang minimum health standards gaya ng pagsusuot ng face masks at face shields.
Ilan sa mga ipapatupad ay ang hanggang 50 percents lamang ang capacity na papayagan na kinabibilangan ng mga buses, UV Express Service, public utility jeepneys, shuttle service, tricycles, taxi at mga transport network vehicle services.
Papayagan ang mga provincial buses na makapasok sa mga borders basta nag-ooperate sila ng pont-to-point trips habang ang motorsiklo ay papayagan kapag may angkas na APOR lamang.
Sa mga train ay mayroong 20 percent to 30 percent capacity ang lahat ng linya ng tren mayroong 370 kada train set sa Light Rail Transit line 1 (LRT1), 274 kada train naman para sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at 372 per train set naman para sa Metro Rail Transit LIne 3 (MRT-3) habang 310 per train set naman sa Philippine National Railways (PNR).
Sa mga biyaheng pamhipapawid limitado lamang sa 1,500 na pasahero kada araw ang pinayagan na makapasok sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at ang flight ay nasa 30 percent lamang ang capacity bago ang ECQ habang wala namang limitasyon ang mga outbound flights.
Ang mga biyaheng pandagat naman ay limitado sa 50 percent ang capacity at lahat ng mga pasahero ay dapat sumunod sa mga ipinapatupad na requirements ng local government units habang ang mga biyahe ng mga barko ay para sa mga cargo handling operations ay magpapatuloy basta sumasang-ayon sila sa guidelines ng Inter Agency Task Force for infectious disease.
Hindi naman kabilang na sisitahin sa checkpoints ang mga pampublikong sasakyan na magsisimula mula ala-said ng gabi hangang ala-singko ng umaga.
Wala din aniyang ipapatupad na dagdag presyo ng mga pamasahe.