-- Advertisements --
Sinuspinde ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng mga sasakyang pandagat ngayong araw sa ilang lugar sa Mindanao dahil sa masungit na panahon.
Batay sa report ng PCG, suspendido ang biyahe ng mga sasakyang pandagat mula sa Surigao del Norte patungong Dinagat, Siargao, at Bucas Grande.
Gayonpaman, pinayagan pa rin nitong makabiyahe ang mga roll-on-roll-off (RoRo) vessel na may bigat na 300 ton sa loob ng 12 oras mula nang inilabas ang abiso.
Dapat ding mga vessel crew at kapitan ng barko lamang ang kasama ng mga ito at walang mga pasahero.
Inabisuhan na rin ng PCG ang mga biyahero at mga mangingisda na huwag magpumilit sa pagbibiyahe at pamamalaot dahil sa delikado ang lagay ng karagatan.