-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Pinayagan na ng Coast Guard Station-Surigao del Norte ang pagbiyahe sa mga sakyanang pandagat sa lahat ng gross tonnage maliban lamang sa mga patungong Cebu City na nananatiling temporaryong sinuspende.
Base ito sa inilabas na Notice to Mariners kagabi ni Station Commander Elaine Pangilinan matapos namang magpalabas ng kanilang weather bulletin ang Pagasa na nagtanggal na sa lalawigan mula sa mga lugar na nasa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 na hatid ng bagyong Jolina.
Sa kabila nito pinaaalahanan pa rin ang lahat ng mga sasakyang pandagat na maging mapagmatyag at bantayan ang direksyon ng bagyo.