-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Temporaryo nang sinuspende ng Philippine Coast Guard Station-Surigao del Norte ang paglalayag sa mga sasakyang pandagat na may timbang na sa 250-gross tonnage pababa.

Ito ay matapos magpalabas ng gale warning ang PAGASA kaninang alas-5:00 ng umaga dahil sa malakas na gale force winds na tinatayang makaka-apekto sa eastern seaboards ng Mindanao.

Sa inilabas na Notice to Mariners ni acting station commander John Alfwell Saarenas, pinaaalahanan nito ang lahat ng mga sasakyang pandagat na papayagang makapaglayag na magkaroon ng precautionary measures at mapagmatyag sa papasok na bagyo na tatawaging Odette kung makakapasok na sa Philippine Area of Responsibility.