-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Suspendido ang biyahe ng mga sasakyang pandagat mula sa mainland Surigao del Norte hanggang Dinagat Islands province kasama na sa Siargao islands at Bucas Grande Islands na kasalukuyang tinatamaan ng bagyong Aghon.
.
Base ito sa inilabas na travel advisory ng Philippine Coast Guard Station.

Sa kabilang banda, naka-full alert na ang tanggapan ng Office of Civil Defense o OCD-Caraga simula pa kahapon upang ma-monitor nila ang mga hakbang ng mga concerned local government units para sa kaligtasang kani-kanilang mga constituents.

Ayon kay OCD CARAGA spokesperson Ronald Briol, naka-alerto na at 24/7 na rin ang monitoring na ginawa ng Caraga Regional Disaster Risk Reduction and Management Council o CRDRDMC Operation Center.

Habang nasa white alert status pa rin ang buong lungsod ng Butuan kung saan wala silang naitalang pinsala sa paghagupit ng bagyong Aghon.