-- Advertisements --

Roxas City – Kanselado na ang biyahe ng sakayan pandagat sa Banica wharf patungo sa Masbate at isla ng Olotoyan dahil sa bagyong Hanna.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Philippine Coast Guard-Roxas Senior Chief Petty Officer Adan Ayopela sinabi nito na umiikot sila sa mga coastal barangays sa lungsod at mga bayan at nagpapaalala sa mga mangingisda na iwasan muna ang magbiyahe dahil sa malakas na alon sa kadagatan.

Nakahanda rin ang mga floating assets o sakayan pandagat ng PCG-Roxas sa oras na mayroon kailangan i-rescue.

Patuloy naman ang monitoring ng PCG sa mga coastal areas.

Sa ngayon, nanawagan si Ayopela sa mga mangingisda at mga pasahero na makinig sa mga abiso ng kanilang tanggapan.