-- Advertisements --
Ipinagpaliban na ni Pope Francis ang biyahe nito sa isla ng Malta at Goza dahil sa banta ng coronavirus disease o COVID-19.
Ayon kay Papal spokesman Matteo Bruni na gagawin sana ang pagbiyahe ng Santo Papa sa nasabing mga lugar sa Mayo 31.
Ang desisyon ay napagkasunduan ng mga otoridad at mga loca authorities.
Ang isang araw na pagbiyahe ng Santo Papa sa Malta at Gozo ay siyang tanging international journey ng Santo Papa ngayong taon.