BUTUAN CITY – Temporaryong sinuspinde ng Coast Guard Station-Surigao del Norte simula kaninang umaga ang mga biyahe ng mga sasakyang pandagat na sakop ng kanilang area of responsibility dahil sa bagyong Jolina.
Ito’y matapos na isinailalim sa tropical cyclone wind signal number 1 ang Dinagat Islands province pati na ang Siargao at Bucas Grande Islands ng Surigao del Norte.
Sa isinalabas na notice to mariners ni PCG commander Elaine Pangilinan, pinayuhan nito ang lahat ng mga sasakyang pandagat na magpatupad ng precautionary measures at maging vigilant hanggang hindi pa magpapalabas ng bagong notisya ang kanyang tanggapan.
Iihayag din nito na libreng makaka-take shelter ang iba pang mga sasakyang pandagat na nais na makaiwas sa hagupit ng bagyo.