-- Advertisements --

Hindi na itinuloy ni British Prime Minister Boris Johnson ang biyahe nito sa India.

Ito ay dahil sa patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Nakatakda sa na ang apat na araw na pagbisita nito sa India sa huling linggo ngayong buwan.

Kasama sa kaniyang pagbisita ang pakikipag-usap niya kay Indian Prime Minister Narendra Modi.

Ito na ang pangalawang beses na hindi natuloy ang biyahe ni Johnson dahil noong Enero ay nakansela bunsod ng maraming kaso ng COVID-19 sa UK.