-- Advertisements --
Nagpapahinga na si Sen. Manny Pacquiao matapos ang matagumpay sa laban nila ni Keith Thurman sa Las Vegas.
Kaugnay nito, hindi rin muna masusunod ang original schedule sana ni Pacman na biyahe pabalik sa Pilipinas ngayong gabi (Manila time) o madaling araw pa lamang ng July 21 sa Las Vegas.
Batay sa impormasyon mula sa asawa nitong si Jinkee, iniinda pa ng 40-year-old Pinoy ring icon ang sakit sa dalawang mata nito na kailangang i-monitor ng doktor.
Nabatid na agad sanang uuwi sa bansa ang fighting senator para sana sa ika-apat na State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas, July 22.
Samantala, magkakaroon umano ng Thanksgiving service ganap na alas-12:00 sa MGM Grand sa Las Vegas.