-- Advertisements --

Kinansela na ni US Secretary of State Antony Blinken ang kaniyang pagdalaw sa ilang bansa Southeast Asia matapos na ang isa sa mga miyembro nito sa delegasyon ay may nakasalamuha na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa US State Department na nakatakda sanang pulungin ni Blinken ang mga opisyal ng Thailand sa Bangkok matapos ang pagbisita nito sa Indonesia at Malaysia.

Sinabi nito kay Thai foreign minister Don Pramudwina na babalik na lamang si Blinken sa Washington bilang bahagi na rin ng pag-iingat.

Isa kasing journalist na kasama sa biyahe ni Blinken ang nagpositibo sa COVID-19 pagdating nila sa Malaysia nitong Martes ng gabi.