-- Advertisements --

Naantala ng ilang oras ang biyahe ni US Vice President Kamala Harris patungong Vietnam dahil umano sa ulat ng posibleng pananalasa ng Havanna syndrome.

Ang misteryosong insidente ay nagreresulta sa pagkakasakit ng mga US officials noong nakaraang mga taon.

Sinabi ng tagapagsalita ni Harris na si Rachael Chen na nagsagawa muna sila ng masusing assesment bago tumuloy sa nasabing bansa.

Wala aniyang problema sa kalusugan ng US Vice President.

Galing sa Singapore si Harris at tatlong oras na naantala ang biyahe nito sa Vietnam lulan ng Air Force One.