NAGA CITY – Kanselado pa rin ang biyahe ng mga sasakyang dagat sa pantalan ng Camarines Sur dahil sa masamang lagay ng panahon dulot ng hanging Habagat.
Sa panayam ng Bombo Radyo, sinabi ni Petty Officer 1st Class Graciano Cañeba, station commander ng Philippine Coast Guard-Pasacao na higit 40 na pasahero pa ang kanilang na-monitor ng stranded sa naturang port.
Ayon kay Cañeba, nabawasan ang mga naghihintay sa CamSur Port dahil lumipat daw ang ibang pasahero sa pantalan ng Pio Duran sa Albay.
May iba naman daw na nakisilong muna sa mga kamag-anak na malapit sa pantalan.
Sa ngayon nagabiso ang PCG sa mga residente ng coastal areas na mag-ingat lalo na ang mga mangingisdang maglalayag.
Kamakailan nang ma-rescue ng mga otoridad ang tatlong mangingisda mula sa Camarines Norte matapos ang apat na araw na mastranded sa gitna ng dagat.