BUTUAN CITY – Patuloy na ipinatupad ng Philippine Coast Guard (PCG) Surigao del Norte ang temporary preventive suspension sa biyahe ng mga maliliit na sasakyang pandagat sa Surigao del Norte upang hindi maulit ang naganap sa Guimaras-Iloilo Strait.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan kay PCG-Surigao del Norte station commander Commodore Lawrence Roque, ipinaliwanag nito na sa ngayon ipinatupad ito sa mga sasakyang may 17-gross tonnage o 17-tonelada pababa ang timbang, base na rin sa gale warning na ipinalabas ng Pagasa.
Samantala patuloy naman ang biyahe ng iba pang mga bangka na lagpas sa 17 tonelada ang bigat gaya ng mga bangkang bibiyahe patungong Dinagat Island, Socorro at sa Siargao Island, ngunit bawal pa rin ang mga island hopping activities.
Mariin din silang nagsagawa ng pre-departure inspection sa mga sasakyang lalayag upang matiyak na malagay sa manifesto ang pangalan ng lahat ng mga pasahero nang sa gayo’y maiwasan ang overloading.