CENTRAL MINDANAO-Tuloy na tuloy na ang byaheng Kidapawan City- General Santos City ng Yellow Bus Line Incorporated.
Alas 4:30 ng umaga ng July 5, 2019 babiyahe ang unang bus ng YBL mula Kidapawan City via Calunasan M’lang patungong Tulunan – Datu Paglas at Buluan sa Maguindanao, Tacurong – Tantangan – Koronadal –Tupi –Polomolok sa South Cotabato at General Santos City and vice versa.
Ang direktang byahe ay hudyat ng pagbubukas ni City Mayor Joseph Evangelista sa lungsod para sa mga turista at mamumuhunan mula sa area ng Maguindanao, South Cotabato, Sultan Kudarat at Sarangani.
Kinumpirma mismo ni YBL Manager Olimpio M. Par ang naturang development matapos nilang mag-usap ng pamunuan ng City Overland Terminal at makumpleto ang mga kaukulang dokumento sa Department of Transportation para legal na makapag byahe.
Pumayag na ang DOTr sa bagong byahe kung saan ay magkakaroon ng official launching sa July 4, 2019 sa General Santos City.
Katunayan, ang byaheng Kidapawan-Gensan ay isa sa mga programa ng DOTr sa ilalim ng Duterte Administration na naglalayung mapaunlad pa ang maraming lugar sa Mindanao sa pamamagitan ng mga dagdag na rutang magkokonekta sa mga lalawigan nito.
Tinatayang 3-4 na oras ang byahe mula Kidapawan-Gensan and vice versa.
P230 ang regular na pamasahe at P200 para naman sa SP sa mga deluxe buses na babyaheng Gensan, P271 ang regular fare at P231 sa SP para naman sa mga aircon buses.
Sampung units muna ang inisyal na babyahe sa nabanggit na ruta.
4:30 AM ang first trip at 3PM naman ang last trip ng Kidapawan-Gensan route and vice versa.
Kaugnay nito ay may job opportunities din para sa mga taga Kidapawan City ang YBL para na rin sa kanilang dagdag na bagong 15 buses na babyahe sa kalaunan sa mga rutang nabanggit.
Naghahanap sila ng tig-15 mga bus drivers at konduktor para sa Kidapawan-Gensan route.
Maaring makipag ugnayan lamang sa kanilang opisina sa Koronadal City para makapag –aaply.
28 years old ang minimum age requirement ng bus driver, may professional driver’s license at six years experience sa pagmamaneho ng malalaking truck.
Sa mga konduktor naman, at least high graduate o college level ang kinakailangan.
Pwedeng mag-aaply ang mga babae bilang bus conductor, sabi pa ng pamunuan ng YBL.