-- Advertisements --
ILOILO CITY – Nakakulong na ang suspek na bumaril at sumaksak-patay sa kanyang byenan sa Barangay Badiang, San Jose de Buenavista, Antique dahil sa pagpatay sa kanyang biyenan.
Ang suspek ay si Norman Iman, 31, habang ang biktima naman ay si Leonardo Joseco, 55, pawang residente ng Purok 4, Brgy. Badiang, ng nasabing bayan.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Pol . Lt. John Predic Padilla, deputy chief ng San Jose Municipal Police Station, sinabi nito na nagalit ang suspek matapos hindi pumayag ang kanyang biyenan na dalhin sa Anini-y, Antique ang kanyang misis na si Nathalie Iman.
Nanindigan naman ang suspek na kahit na magsisi pa siya ay hindi na niya maibabalik pa ang buhay ng kanyang byenan.