-- Advertisements --
Nadagdagan pa ang biktima na nagsampa ng kaso laban sa Ethiopian Airlines 737 Max 8 na bumagsak noong Marso na ikinasawi ng 157 katao.
Ayon sa biyudang si Nadege Dubois-Seex, asawa ng isa sa pasaherong namatay na malaki kapabayaan ng kumpanya ang pangyayari.
Dapat aniya na hindi na pinabiyahe pa ang mga eroplano dahil alam na nila na ito ay may deperensiya.
Nauna rito pinatawan na ng $276 million na damages ang kumpanyang Boeing dahil sa nangyaring insidente kung saan inamin nila na nagkaroon ng problema ang kanilang simulator-software.
Ito rin ang nangyari sa Lion Air sa Indonesia noong Oktubre na ikinasawi rin ng 189 katao.