LEGAZPI CITY — Nagpaabot ng pasasalamat ang biyuda ng pinaslang na si Partylist Congressman Rodel Batocabe na si Ginang Gertie sa mga kaibigan at tagasuporta nito sa kabila ng pagkatalo sa mayoralty race sa bayan ng Daraga, Albay.
Ayon kay Gertie sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, hindi maikakaila na hindi nila nakuha ang mayorya ng boto ng mga tao subalit patuloy itong nagpasalamat sa mga tumulong sa kaniyang kampanya.
Dagdag pa nito na naging malinis ang kanilang laban, subalit pagdating sa politika ay may nananalo at may natatalo kaya dapat na tanggapin ang naging pasya ng publiko.
Kaugnay nito, nagpahayag naman ito ng kahandaan na suportahan ang bagong halal na alkalde sa bayan ng Daraga.
Samantala, nanguna sa katatapos pa lamang na halalan ang officer-in-charge ng bayan na si Victor Perete.