Hindi umano ikinatuwa ng biyuda ni Kobe Byrant ang mga alegasyong ipinakalat ang mga larawang kuha sa pinangyarihan ng helicopter crash na kumitil sa buhay ng NBA legend, kanilang 13-anyos na anak, at ng pitong iba.
Pahayag ito ng abugado ni Vanessa Bryant na si Gary Robb makaraang lumutang ang mga report na ibinahagi ng mga deputies mula sa Los Angeles County sheriff at fire departments ang mga litrato ng aksidente.
Ayon kay Robb, personal na nagtungo sa tanggapan ng sheriff si Vanessa noong mismong araw ng trahedya at hiniling na maprotektahan ito mula sa mga photographers upang mapangalagaan raw ang dignidad ng lahat ng mga biktima at ng kanilang mga naulilang pamilya.
“First responders should be trustworthy. It is inexcusable and deplorable that some deputies from the Lost Hills Sheriff’s substation, other surrounding substations and LAFD would allegedly breach their duty. This is an unspeakable violation of human decency, respect, and of the privacy rights of the victims and their families,” pahayag ni Robb.
“We are demanding that those responsible for these alleged actions face the harshest possible discipline, and that their identities be brought to light, to ensure that the photos are not further disseminated. We are requesting an Internal Affairs investigation of these alleged incidents.”
Sa naunang pahayag, sinabi ng sheriff’s department na kasalukuyan nilang iniimbestigahan ang pangyayari.
“The Sheriff is deeply disturbed at the thought deputies could allegedly engage in such an insensitive act,” saad nito. (AP/ CNN)