Ginawaran ang naiwang asawa o biyuda ni Kobe bryant na si Vanessa Marie Bryant ng $16 million bilang bahagi ng $31 million na hatol ng husgado laban sa Los Angeles County at mga bumbero na nagpakalat ng mga larawan sa yumaong NBA star at sa 13-years old nilang anak pati na din sa ibang nasawi sa pag-crash ng sinasakyan nilang helicopter noong January 2020.
Siyam na hurado ang nagkaisa at sumang-ayon kay Vanessa at sa kanyang abogado na ang larawan na kumalat ay Llumabag sa kanyang privacy at nagdulot ng emotional distress.
Kung maalala umabot nga ng apat at kalahating oras bago naabot ang hatol sa araw na inaalala rin sa LA nitong Agosto 24 na nagkataong kinakatawan nito ang numero o jersey number 8 at 24 ni Kobe kung saan 44- years old na sana ang nasawing NBA legend.
Sa isang pahayag ni Vanessa na kung saan sa kanyang post na kasama ang asawang si Kobe at Gianna
Ayon sa caption ” All for you!” I love you! JUSTICE for Kobe and Gigi!”
Maluhaluhang nagsabi si Vanessa na ang mga larawan na kumalat noon ay nagpadagdag ng lungkot isang buwan matapos mawala ang kanyang anak na babae at asawa.
Nasabi din niya na mayroon pa siyang panic attack at pangamba sa pag-iisip.