-- Advertisements --
Nais ng celebrity photographer na si BJ Pascual na tuldukan na ang isyu nila ng OPM artist na si Denise Julia.
Sa social media account nito ay ibinahagi niya ang kumpletong kuwento.
Kasama rin nito ang mga screenshot ng usapan ng kaniyang manager at manager ni Denise.
Para tuluyang makumpleto aniya ang nasabing kuwento ay minabuti niya na magshare na lamang ng screenshots.
Nanawagan na lamang ito na tigilan na ang isyu at mag-move forward na lamang.
Magugunitang nagbunsod ang isyu dahi umano sa hindi pagbabayad ng singer sa photographer ng napag-usapang presyo ng kanilang video shoot.